
AYALA MUSEUM.

makikita din dito ang kasaysayan ng pilipinas.
kaso hindi pwede ang picture taking sa loob. pero ok lang busog naman ang mga mata namin sa kaalaman mula sa ating kasaysayan.
kaya sa labas na lang kami ng museum nag picture-picture.
Punta naman tayo sa pangalwang destinasyon sa
NATIONAL MUSEUM...


marami din kaming nakita dito tulad ng mga painting ng mga magigiting na pintor. naglalakihang mga painting ang nakalagak sa museum na yon.






nabusog ang aming mata sa ibat ibang bagay na naka display sa museum ginagamit nga ating mga ninuno sa mga batong natagpuan sa ibat-ibang lugar sa ating bansa.


Ang museum na aming narating ay isang Experience na hindi namin malilimutan, dahil doon marami kaming natutunan at nalaman sa mga nakita at napanuod namin.
At ang ikatlong destinasyon n aming napuntahan ay ang
LUNETA PARK

Dito ang aming huling distinasyon, dito din kami nag pahinga sa damuhan. matapos ang mahabang pag lalakad.
amin ding tinungo ang japanese garden. at ang kanlungan ng sining.
at pag tapos ng mahabang pag lalakad.
kahit pagod ay masaya naman.

pero hindi kami nakakuha ng maraming picture dahil sumuko na din ang dala naming camera.
at nag tapos ang lahat sa malakas na ulan na bumasa sa amin habang tumatakbo papunta sa van.
At dito natapos ang aming lakbay kaalaman.
natapos ang araw na may mga kaalaman at may mga tumatak sa aming isipan.
hangang sa muling paklalakbay aral.....!!!!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento